Mga "wala lang..." MOments!
Sa eroplano...(Cathay Pacific)...
**** meron palang Headset...meron pala nito dun? hindi ko nga lang alam kung san isasaksak! hahaha...kaya tinitignan ko si kuya ____ (ung katabi ko sa airplane...) kung pano gamitin ito...
**** meron magazine kala ko mala FHM! hindi pala...list pala un ng mga binibenta sa duty free...hehehe...nkalist din dun ang mga radio stations...merong pang pinoy...songs by ogie alcasid, regine velasquez, at ang kantang "Anak" ni freddie aguilar! hehehe
**** bago magtake off ang plane...i've realized na talgang aalis n ako...(pera na lang kung may haharang sa plane at pabababain ako at sasabihing di n nmn ako pdeng lumipad...asa pa ako! hay...
**** nagtake off na ang plane...habang pataas n ang eroplano ay siya nmang pagliit ng mga natatanaw ko sa bintana...Ang bansang nilakihan ko ay mukha n lamang diorama sa aking paningin...
**** unti unti ng tumulo ang mga luha ko ng mga oras n iyon...Marahil ay hindi lamang ang pagsakay ng eroplano ang first time ...maging ang takot na aking naramdaman...takot n dala ng aking paglisan...(madrama noh! pro totoo un!) Sa bawat pagpatak ng luha ko ay isang realisasyon na may malaking pagbabago sa buhay ko! Isang pagbabago na inaasahan ko n lamang na para sa ikabubuti ko at ng pamilya ko...
**** ang ganda ng tanawin sa itaas parang nasa langit na ako...ang daming clouds na tila mga iceberg sa malayo...Tama nga sila, wlang trapik dito sa taas! hahahaha
Sa airport ng HONGKONG...
**** unang una, grabe ang laki ng airport ng HK...hanggang 80 gates meron sila! nakakaligaw! hehehe...as far as i know HK ata ang may pinakamalaking airport sa buong mundo...tama ba?
**** If only I have a few more $ in hand baka makapag OL agad ako...kasi my free internet ung mga restaurant dun sa duty free ng HK... if you buy one of their products may 30 minutes kang free internet access....eh gudluck nmn kung magkano ung pinakamura! heheehehe...
**** mga 3 hours akong nag antay dun for my next flyt...grabe kakatamad! naka upo lang me...pro minsan nag lilibot libot din!
Sa Dubai Airport...
**** nakarating ako ng maayos sa Dubai...as usual tinulungan na nmn ako ni kuya___ ( ung katabi ko!) malamang ung mga crew dun sa airport ay arabo...karamihan sa kanila lalaki at lahat sila nakaputing damit at naka sandals lang ...mukha silang mga disciples! ganun pala dun...
**** i undergo eye scan...for security purposes...kala ko sa lahat lang ng mga malalabo ang mata hindi pala! karamihan kasi nakasalamin eh!heheehhe
**** ito ang pinaka shocking! Sa Girl's comfort room...ung bowl nila dun eh parang butas lang sa sahig...hahahaha...hehehehe...pero in fairness covered nmn siya ng stainless steel...hay...
Tuesday, July 10, 2007
Monday, July 9, 2007
first timer
...narito ang salaysay ng isang first timer...
ako nga pala si charo isang simpleng mamamayan ng bansang Pilipinas n minsang nangarap n makapaglakbay sa ibang bansa ....ibabahagi ko sa inyo ang kauna unahan kong karanasan....(wag kaung mag isip ng malaswa hindi un ang tinutukoy ko...) Nais ko pong ibahagi ito sa salitang kinalakhan ko kaya magtiis kau kasi pure tagalog ito..hindi pala pure...may halo din hehehe....hahahahaha
Opo mga kaibigan at minamahal ko...nagkaroon ng katuparan ang pangarap n iyon...sa mga sandaling ito ay nasa malayong lugar n po ako... Hindi ko inaasahan n dito pala ako mapapadpad sa mundo ng mga arabo! hahaha....
Ang ibabahagi kong ito ay tungkol sa mga first time....First time sa airplane, first time mag isa...first time maglakbay...basta lahat first time...hahahhaa...so tara na! HANDA NA BA KAYO???
Nag umpisa ang kwento ko sa unang araw ng aking paglisan.... JUNE 17, 2007! kasama ko ang aking ina nung araw n iyon...nyahahahaha...hindi ko inaasahan na magiging memorable pala ito...talagang hindi ko ito malilimutan...mga kaibigan hindi po ako nakaalis!...... kasi expired ang visa ko....9 days n palang expired ang pinakaiingatan kong visa (***kung alam ko lang na expired n un eh hindi ko na nilagay sa folder at plastic envelope...hahahha) first time ko pong maharang sa airport dahil sa expired visa! hahaha Dahil ganun n nga ang mga pangyayari, wala n akong magagawa kundi umuwi ng bahay at kalimutang paalis pala ako...Hay naku, ganun pala ang feeling ng mareject! halo halong emosyon ang naramdaman ko...((((masaya=kasi my time p akong makasama ang aking tatay, kuya, mga pinsan at bunsong utol ko)))), ((((malungkot=kasi hindi p ako makakasakay ng eroplano)))), ((((nahihiya=kasi malamang aasarin ako ng mga kaibigan ko ***lalo na si aldrich! ***kasi nag pa despedida party pa ako hindi n mn pala tuloy)))).
Si mommy lamang ang nakaalis nung araw n iyon...(JUNE 17, 2007) ako naiwan n nmn sa pilipinas...hahaha...
makalipas ang ilang araw ay nalaman n ng buong mundo ang kwento ko...bakit kaya???? malamang kasi alam ni adich at ng mga bakla (tere at beki!)! hehehehe...hehehe
hindi p po nagtatapos ang kwento ko...umpisa p lang po yan!
to be continued....

Subscribe to:
Posts (Atom)